by Rolando A. Bernales
It's hard to be gay,
When you're gay.
-Anonymous
Ang pagiging bakla ay habambuhay
Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.
Papasanin mo ang krus sa iyong balikat
Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan.
Di laging sementado o aspaltado ang daan,
Madalas ay mabato, maputik o masukal.
Mapalad kung walang magpupukol ng bato o
Mangangahas na bumulalas ng pangungutya.
Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap
O bulung- bulungan at matutunog na halakhak.
Di kaialangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin
Sapagkat sila'y iba't ibang mukha: bata, matanda
Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap,
kilala o di kilala.
Sinong pipigil sa kanila? hindi ikaw
Anong lakas meron ka upang tumutol?
Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad
At ang iyong paa'y ipinako na ng lipunan
Sa likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwalang
Nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan
Na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo
Kahit na ika'y magpumilit na magpakarangal?!
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete